Pribadong sektor, pwedeng bumili ng bakuna pero hindi pwede magbenta – Galvez

Nilinaw ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. na hindi pwedeng magbenta ng bakuna ang pribadong sektor na bibili ng COVID-19 vaccines.

Ito ay matapos pahintulutan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pribadong kumpanya na mag-angkat ng bakuna “at will” para madagdagan ang supply ng bansa.

Sabi ni Galvez, hindi maaaring ibenta ang mga bakunang bibilhin ng pribadong sektor dahil wala pa itong awtorisasyon para sa commercial rollout.


Iniiwasan lamang ito dahil mayroong buong pananagutan ang gobyerno sa indemnity sakaling magkaroon ng adverse effect mula sa bakuna.

Ang mga bakuna ay mayroon lamang Emergency Use Authorization (EUA) kaya hindi pwedeng pagkakitaan ng mga pribadong kumpanya.

Ang Department of Health (DOH) ay nagbigay lamang ng go signal na gamitin ang mga bakuna kung ang mga vaccine manufacturers ay mabibigyan ng EUA ng Food and Drug Administration (FDA).

Facebook Comments