Price cap sa airfares, inihirit ng isang kongresista

Hiniling ni Ilocos Sur Rep. Ronald Singson sa gobyerno na magkaroon ng pansamantalang “price cap” sa pasahe sa eroplano para sa “local o domestic” na mga ruta.

Layunin nito na maproteksyunan ang mga pasahero sa harap ng mga reklamo na may mga airline company ang nagsasamantala sa pagtaas ng bilang ng mga bumibyahe dahil sa pagluwag ng COVID-19 restrictions at pagbubukas ng borders.

Ang apela ni Singson ay nakapaloob sa inihian niyang House Resolution 307 na humihikayat din sa kaukulang komite ng Kamara na magsagawa ng pagsisiyasat ukol sa umano’y nakaka-alarmang pagtaas ng pasahe sa eroplano.


katwiran ni Singson, bagama’t mataas ang presyo ng produktong petrolyo ay masyadong kwestyonable ang masyadong mataas na singil ng mga airline companies partikular sa byahe sa mga kilalang destinasyon sa bansa katulad ng Boracay, Cebu, Bohol, Siargao at Palawan.

Babala Singson, kung mananatiling mataas ang airfares ay posibleng bumagsak ang “air travel demand” na kinalauna’y makakaapekto sa aviation sector at industriya ng turismo.

Facebook Comments