Price cap sa bigas, palabas lang ayon sa isang senador

Tinawag na palabas lang ni Senator Risa Hontiveros ang ipinatupad na price cap ni Pangulong Bongbong Marcos sa presyo ng bigas sa bansa.

Kaugnay na rin ito sa lifting ng ipinataw na price ceiling sa bigas na nag-ugat sa pagsirit sa presyo ng nasabing produkto sa pamilihan.

Ayon kay Hontiveros, ang price cap at pagpa-padlock ng mga rice warehouses ay palabas lamang at isang madramang aksyon para sa popularidad ng administrasyon.


Aniya, mistulang tinakot lang ng pamahalaan ang publiko para maihanda ang bansa sa hindi ordinaryo at iregular na importasyon ng bigas.

Sa kabila aniya ng isang buwang pagpapataw ng price cap sa bigas, hindi naman nakamit ang layunin na tukuyin, makasuhan at maparusahan ang mga kartel, hoarders, at price manipulators.

Dagdag pa ni Hontiveros, sa kasamaang palad ay mukhang mga rice retailers ang napuruhan at napilitang pumila para sa kanilang mga ayuda.

Facebook Comments