PRICE CEILING NA 41 PESOS SA BIGAS SA DAGUPAN CITY, HINDI UMANO RAMDAM NG ILANG MGA MAMIMILI SA LUNGSOD

Hindi umano ramdam ng ilang mamimili sa lungsod ng Dagupan ang Price ceiling sa bigas na 41 at 45 pesos sa ilang pamilihan sa lungsod.
Dahilan na kaunti raw umano ang mga nagbebenta ng 41 pesos na bigas kaya’t walang choice umano ang mga ito na bumili ng 45 pesos bilang isa na ito sa kadalasang pinakamababang presyo ng produktong bigas.
Ang ilan sa mga consumer, aminado na hindi kagandahan ang texture ng mga kabilang sa price ceiling na mga inilalakong bigas bagamat ikinatuwa na rin ng mga ito ang mababang presyo dahilan na mahal na ang ilan pang mga pangunahing pagkain tulad ng mga gulay, karne at isda.

Inaasahan din ng mga ito na sana umano ay magtutuloy tuloy na ang nakasaad na presyo ngayon at kung maaari rin daw ay maibaba pa ito dahil ilan sa kanila ay umaasa pa rin sa ipinangakong bente pesos kada kilo ng bigas.
Samantala, kung para sa ilan ay hindi ramdam ang price ceiling, nagpapasalamat ang iba dahil malaking kabawasan umano ito kumpara sa mga presyo noong mga nakaraang linggo na umabot 50 pesos plus and kada kilo. |ifmnews
Facebook Comments