PRICE CEILING NG KARNENG MANOK SA BANGAR, LA UNION, BINAGO

Binago ng lokal na pamahalaan ng Bangar, La Union ang price ceiling ng karneng manok sa pampublikong pamilihan matapos imungkahi ng Samahan ng mga manlalako.

 

Kasado sa bisa ng kautusan, nakasaad na aabot na sa P230 ang kada kilo ng buong manok habang nasa P240 naman ang atay, at naglalaro mula P70 hanggang P160 ang iba pang bahagi ng manok.

 

Dahilan nito ang mataas na labor cost at transportasyon na sanhi ng pagtaas din ng ibinabagsak na produkto ng manok sa bayan.

 

Maaaring maharap sa pagpapawalang bisa ng business permit ang sinumang manlalako na mahuling lumabag sa naturang kautusan.

 

Epektibo na ang kautusan base na rin sa rekomendasyon ng Municipal Price Coordinating Council at inaasahang mananatili sa loob ng anim na buwan maliban na lamang umano sa posibleng lagay sa merkado ayon sa lokal na pamahalaan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments