Price ceiling ng socialized housing, itinaas ng pamahalaan

Inanunsyo ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) na tinaas na ang price ceiling para sa socialized housing simula December 1.

Kasunod ito ng joint memorandum circular ng DHSUD at ng Department of Economy, Planning and Development (dating NEDA).

Ayon kay DHSUD Senior Undersecretary Henry Yap, sakop ng pagtaas ang iba’t ibang uri ng socialized housing tulad ng subdivision at condominium projects. Layunin nitong i-ayon ang presyo sa kasalukuyang gastos sa paggawa para masiguro ang tuloy-tuloy na supply ng abot-kayang bahay.

Sa bagong panuntunan, ang maximum selling price para sa house-and-lot (27 sq m pataas) ay ₱950,000, habang ang unit na 24 sq m hanggang mas mababa sa 27 sq m ay may price ceiling na ₱844,440.

Tiniyak ng DHSUD na patuloy ang pagtutulungan ng mga ahensya para manatiling abot-kaya ang pabahay para sa mga pamilyang Pilipino.

Facebook Comments