Price ceiling o price control sa mga face mask at nebulizer, isinusulong ng DOH

 

Isinusulong ng Department of Health ang pagkakaroon ng price ceiling o price control sa mga disposable face mask, oxygen, safety goggles, nebulizer at nebulization kit.

 

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, mahalagang magkaroon ng kontrol sa presyuhan ng mga ito lalo na sa panahon ng kalamidad.

 

Kasabay nito, hinikayat ng kalihim ang publiko na isumbong sa Department of Trade Industry (DTI) ang mga magsasamantala na mga negosyante.


 

Pagtitiyak ni Duque, hindi nila ikokompromiso ang kapakanan ng publiko at gagawin nila ang lahat para makontrol ang presyo sa mga ito maging ang mga gamot.

Facebook Comments