Price ceiling sa bigas, band-aid solution lang para sa isang kongresista

Para kay House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Partylist Rep. France Castro, band-aid solution o pansalamantalang solusyon lang ang price ceiling sa malaking problema sa mataas na presyo ng bigas sa bansa.

Giit ni Castro, ang kailangan ay mas k323omprehensibong tugon sa problema sa presyo ng bigas para maging abot kaya ito ng mamamayan lalo na ang mga mahihirap.

Diin ni Rep. Castro, kailangang mabuwag ang rice cartel na binubuo ng mga oportunistang importers, traders, at mga negosyante na may koneksyon umano sa Department of Agriculture (DA) dahil sila ang nagmamanipula sa presyo ng bigas sa lokal na merkado.


Iminungkahi din ni Castro ang pagpapawalang bisa sa Rice Liberalization Law o Tariffication at ang pagbalik sa mandato ng National Food Authority (NFA) na direktang bumili ng palay mula sa ating mga magsasaka.

Giit ni Castro, dapat palakasin ang ating lokal na produksyon ng bigas sa halip na palaging umasa sa importasyon.

Facebook Comments