Price ceiling sa bigas, sa Martes pa magiging epektibo ayon sa Malacañang

Nilinaw ng Malacañang na sa Martes o September 5 pa epektibo ang inisyung Executive Order ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., patungkol sa pagtatakda ng price ceiling sa regular at well milled rice sa buong bansa.

Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil batay na rin sa pahayag ni Office of the Executive Secretary Usec. Leonardo Roy Cervantes na ang price cap ay magiging epektibo lamang pagkatapos ng publication ng EO No.39 sa mga national newspapers.

Batay sa EO No. 39 itinatakda sa 41 pesos kada kilo ang presyo ng milled rice habang 45 pesos kada kilo ang well milled rice.


Panawagan naman ng Office of the Executive Secretary sa mga may katanungan o reklamo patungkol sa kautusan na ipadala sa Malacañang sa pamamagita ng 8888 citizens complaint center.

Una nang inaprubahan ni Pangulong Marcos Jr., ang rekomendasyon na magpataw ng price ceilings sa bigas sa buong bansa.

Ito ay para masiguro ang rasonableng presyo at accessible na pagkain sa mga Pilipino sa harap ng nakaaalarmang pagtaas sa retail prices nito sa mga palengke.

Facebook Comments