PRICE CEILING SA PRODUKTONG KARNE, IPATUTUPAD SA BANGAR, LA UNION

Magpapatupad ng bagong price ceiling sa mga produktong karne ang lokal na pamahalaan ng Bangar, La Union upang makontrol ang presyuhan nito sa pamilihan.

Sa inilabas na Executive Order No. 3 series of 2025, naglalaro sa P70 hanggang P220 ang kada kilo ng iba’t-ibang parte ng manok; P120 hanggang P390 ang presyo ng carabeef; habang P150 hanggang P340 naman sa karneng baboy.

Ayon sa LGU lubhang nakaapekto ang mga kaso ng African Swine Fever sa bayan na nagpababa sa suplay ng karneng baboy at tumaas na singil sa pagkain o feeds at transportasyon ng mga produkto.

Suhestyon naman ng ilang mamimili na kung ito ay ipapaskil sa mga pamilihan ay Sana madali itong makita ng publiko. Epektibo ang naturang kautusan sa bayan simula March 10. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments