Price-freeze, dapat ipatupad sa mga lalawigan na tinamaan ng Bagyong Rolly

Umapela si Senator Francis “Kiko” Pangilinan sa pamahalaan na magpatupad ng price freeze ng basic commodities sa mga lugar na sinalanta ng Bayong Rolly.

Pakiusap ni Pangilinan, gawin ang lahat ng maaaring paraan upang mapagaan ang dinadala ng ating mga kababayan na matinding tinamaan ng Bagyong Rolly.

Iginiit din ni Pangilinan sa mga local government na ikonsidera ang pagdeklara ng state of calamity para makagamit ng dagdag na pondo at maaksyunan ang pagsasamantala ng ilang negosyante.


Sa kasalukuyan ay umiiral lang ang price freeze sa Albay, Batangas, Oriental Mindoro, at Marinduque kasunod ng pagdeklara nila ng state of calamity matapos ang paghagupit ng Typhoon Quinta noong nakaraang linggo.

Matapos naman ang pagbayo ng Bagyong Rolly, ay Cavite pa lang ang nagdedeklara ng state of calamity.

Una rito, ay hinikayat ni Pangilinan ang mga magsasaka at mangingisda na nabiktima ng bagyo na i-avail ang zero-interest loans ng Department of Agriculture at iba pang benepisyo.

Facebook Comments