Price freeze, epektibo na sa Luzon kasunod ng pagdedeklara ng state of calamity

Dapat na maglabas ng listahan ang pamahalaan ng mga produktong sakop ng “price freeze”.

Kasunod ito ng idineklarang state of calamity ni Pangulong Rodrigo Duterte sa buong Luzon.

Ayon kay Laban Konsyumer President Atty. Vic Dimagiba, mahalagang nauunawan ng mga tao kung ano ang price freeze at ang mga produktong sakop nito.


Nilinaw rin ni Dimagiba na maliban sa mga produktong nabibili sa supermarket, pinapairal din ang price control measure sa mga palengke.

“’Yun pong pag-declare ng state of calamity sa buong Luzon ay suportado ng Laban Konsyumer yan. Pero ang atin lang hiling sa mga nagpapatupad nito, wag lang sasabihin na merong iiral na price freeze ‘no? Kailangan magkaroon ng listahan kung ano yung prevailing price and then ilathala para alam ng mga mamimili ano ba yung sinasabing price freeze,” ani Dimagiba.

Tiniyak naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque na mahigpit na magbabantay ang Department of Trade and Industry at ang Department of Agriculture para masigurong nasusunod ang kautusan.

“Sa panahon ng pandemya, sa panahon ng kalamidad ay kinakailangan naman po na ma-assure natin man lang na ang mga nabiktima ng pandemya at kalamidad ay mayroong mabibiling pagkain,” ani kalihim.

“Well, dalawa pong ahensya ang magpapatupad niyan, sa pagkain ay ang DA at sa iba pang necessities ay ang DTI at ito po ay nakikipag-ugnayan din sa mga local government units,” pahayag ni Roque sa interview ng RMN Manila.

Facebook Comments