PRICE FREEZE, IPINATUPAD SA ROXAS, ISABELA

Cauayan City, Isabela- Ipinatupad na ang ‘60-Day Price Freeze o Automatic Price Control’ sa bayan ng Roxas sa Lalawigan ng Isabela na kasalukuyang sumasailalim sa ‘State of Calamity’ dahil sa dami ng kaso ng COVID-19.

Ibig sabihin, ang presyo ng mga ibinebentang pangunahing bilihin o basic necessities ay mananatili sa prevailing price alinsunod na rin sa Price Act o RA 7581.

Pinapaalalahanan naman ng Department of Trade and Industry (DTI) Isabela ang mga negosyante na sundin ang ipinapatupad na Price Freeze upang masiguro na walang mananamanlata o magtataas ng presyo sa panahon na umiiral ang General Community Quarantine (GCQ) at sumasailalim sa State of Calamity ang nasabing bayan.


Hinihikayat ng nasabing ahensya ang publiko o mga konsyumer na maging mapagmatiyag at alerto sa galaw ng presyo at supply ng mga bilihin.

Pinapayuhan din ang publiko na kung sakaling may paglabag sa ipinatutupad na Price Freeze ay magsumbong sa LGU, Negosyo Center o sa tanggapan ng DTI Isabela.

Maaari rin tumawag sa hotline number ng DTI Isabela sa 0917-115-1395 o magpadala ng mensahe sa kanilang Facebook Page (DTI Isabela).

Hinihiling din ng nasabing ahensya ang kooperasyon at pakikipagtulungan ng bawat isa lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Facebook Comments