Price freeze, kailangang ipatupad sa mga lugar na hinagupit ng Bagyong Odette

Iginiit ni Senator Francis “Kiko” Pangilinan sa gobyerno na agad magpatupad ng price freeze sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong Odette.

Paliwanag ni Pangilinan, matutulungan nito ang mga biktima ng kalamidad na mabili ang kanilang mga pangangailangan.

Diin pa ni Pangilinan, paraan din ang price freeze para mapigilan ang mga tiwaling negosyante na samantalahin ang pagtama ng kalamidad


Tinukoy ni Pangilinan na sa ilalim ng Price Act ay otomatiko ang implementasyon ng price control kapag may deklarasyon ng state of calamity o state of emergency.

Gayunpaman, hiniling ni Pangilinan sa Department of Trade and Industry (DTI) na huwag nang hintayin ang ganitong deklarasyon ng Local Government Units (LGUs) at sa halip ay agad na ipatupad ang price freeze dahil sa malawak na pinsala ng bagyo.

Punto ni Pangilinan, sinalanta na ng bagyo ang mga kababayan natin, kaya huwag na silang mabiktima pa ulit ng mataas na presyo ng bilihin.

Facebook Comments