PRICE FREEZE | Mga lalabag sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity, pinaalalahanan

Manila, Philippines – Umaapela ang Department of Energy (DOE) sa publiko na maging vigilante at agad na i-report kung sino man ang lalabag sa umiiral na price freeze sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity.

Ayon sa DOE maaaring ipagbigay alam sa info@doe.gov.ph o sa kanilang Consumer Welfare and Promotion Office sa mga numerong ‎479-2900 loc. 329 sa mga mapapatunayang lalabag.

Sa ngayon, nasa ilalim ng state of calamity dahil sa bagyong Vinta ang mga bayan ng Siocon, Gutalac, Salug at Labason sa Zamboanga del Norte at ilang lugar sa Kabisayaan dahil naman sa bagyong Urduja.


Alin sunod sa umiiral na price freeze applicable o ipatutupad ito sa loob ng 15 araw, ang “Household LPG” ay tumutukoy sa 11 kilograms & below ng LPG na nasa containers; ang price movements para sa kerosene ay ipatutupad kada Martes sa loob ng isang linggo habang ang price movements para naman sa LPG ay ipatutupad kada umpisa ng buwan.

Kasunod nito nakikipag ugnayan ang DOE sa iba’t-ibang oil industry sa pagpapatupad ng “price freeze” sa mga basic energy products na itinitinda sa mga lugar na sakop ng state of calamity.

Facebook Comments