Manila, Philippines – Iniutos ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde ang sa mga PNP units na tumulong sa pagpapatupad ng price control sa mga lugar na ideneklarang nasa state of calamity dahil sa sama ng panahon.
Mismong iniutos mismo ni PNP Chief Albayalde kay CIDG Director Roel Obusan ang pagbibigay ng instructions sa mga CIDG regional offices na nasa ilalim sa state of calamity upang makipag-ugnayan sa local DTI offices.
Sasamahan aniya ng mga pulis ang mga DTI teams sa pag-iikot para i-monitor ang presyo ng mga prime commodities sa mga lugar na nasalanta ng habagat.
Hindi na rin aniya kailangang hintayin na ang DTI pa ang humingi ng tulong sa PNP at pwedeng maging pro-active na ang PNP sa pag-aresto sa mga mapagsamantang negosyante.
Pinaalala ng PNP Chief na sa sa ilalim ng batas, automatikong ipinaiiral ang price freeze sa mga lugar na nagdeklara ng state of Calamity.
Ayon sa PNP Chief, tungkulin ng PNP na i-enforce ang batas laban sa mga negosyanteng mananamantala ngayong panahon ng kalamidad.