Mananatiling epektibo ang price freeze sa mga pangunabing bilihin o basic commodities hanggang May 15.
Sa ilalim ng joint memorandum circular ng Department of Trade and Industry (DTI), Department of Foreign Affairs (DFA), at Department of Health (DOH), sakop ng price freeze ang lahat ng indibidwal, kabilang ang mga nagbebenta sa internet at iba pang media.
Kasabay ng pagdedeklara ng state of public health emergency nitong March 8, ang presyo ng basic goods ay hindi dapat gagalaw.
Sa press briefing sa malacañang, sinabi ni DTI Secretary Ramon Lopez, bubuo ang mga nasabing ahensya ng composite team para paigitingin ang monitoring at enforcement ng price freeze para maiwasan ang hoarding at profiteering.
Pakikilusin din ang mga local price coordinating councils’ para ipatupad ang kautusan.
Maaari ring magrekomenda ng price ceiling para sa basic goods kapag nagpatuloy pa rin ang lumaganap ang COVID-19 lagpas sa 60-day period.
Tiniyak naman ni Agriculture Secretary William Dar na pinaigting ang implementation ng suggested retail price sa karne, isda, at iba pang agricultural products.
Siniguro rin ni Dar na magkakaroon ng unrestricted movement at unimpeded access sa food at agricultural products.