Price freeze sa ilang basic necessities, binawi na ng DTI; Suggested retail prices, dapat pa ring sundin

Inanunsyo ng Department of Trade and Industry (DTI) na ang mga presyo ng ilang pangunahing bilihin ay balik na sa loob ng Suggested Retail Price (SRP).

Ito ay kasunod ng pagpapatupad ng 60-araw na price freeze na nagsimula nitong Marso.

Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, ang pagbawi sa price freeze ay hindi makakaapekto sa price at supply monitoring at enforcement activities ng ahensya, katuwang ang Department of Agriculture (DA), Department of Health (DOH) at iba pang partner enforcement agencies.


Patuloy pa rin ang kanilang paghabol sa mga negosyo at indibidwal na nananamantala.

Ang mga basic goods, sa ilalim ng DTI, na sakop ng price freeze ay mga delatang pagkain, instant noodles, bottled water, tinapay, gatas, kape, kandila, sabong panlaba, at asin.

Ang mga basic goods, sa ilalim ng DA ay bigas, mais, mantika, fresh o dried fish at iba pang marine products, itlog, karneng baboy, karne ng baka, gatas, gulay, root crops, asukal, at prutas.

Ang mga basic goods, sa ilalim ng DOH ay essential drugs, panggatong at uling sa ilalim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), at Liquefied Petroleum Gas (LPG) at kerosene naman sa ilalim ng Department of Energy (DOE).

Ang mga consumer at retailers ay maaaring tingnan ang SRP na inilathala ng ng mga kaukulang kagawaran.

Facebook Comments