Price freeze sa ilang produktong petrolyo, mahigpit na pinaiiral ng DOE sa mga lugar na sinalanta ng bagyo sa Mindanao

Nag-abiso ang Department of Energy (DOE) kaugnay ng umiiral na price freeze sa presyo ng ilang produktong petrolyo sa mga bayan ng Glan at Malapatan sa Sarangani.

Ang naturang mga lugar ay naapektuhan ng magnitude 6.8 na lindol.

Partikular na tinukoy ng DOE ang price freeze sa mga ibinebentang 11 kilogram na tangke ng liquified petroleum gas o LPG at kerosene.


Ipinaalala ng Energy Department na ang price freeze ay nanatiling epektibo at may bisa ng 15 araw mula nang maideklara ang state of calamity.

Nangangahulugan ito na hindi maaaring gumalaw ang presyo ng mga nabanggit na produktong petrolyo at maaaring lamang ay rollback o bawas presyo.

Sa munisipalidad ng Glan, epektibo ang price freeze mula November 21 hanggang December 5.

Habang sa munisipalidad ng malapatan ay mula Nov. 26 hanggang December 10.

Facebook Comments