Price freeze sa LPG at kerosene, inirekomendang palawigin hanggang Hunyo

Nanawagan si Senator Sherwin Gatchalian sa Department of Energy (DOE) na palawigin hanggang katapusan ng buwan ng Hunyo ang price freeze sa Liquefied Petroleum Gas (LPG) at kerosene products.

Ayon kay Gatchalian, ito ay bunsod na rin ng umiiral na national emergency at epekto ng COVID-19 sa bansa.

Giit ng Senador, karamihan sa mga kababayan natin ngayon ay nasa “No-Work-No-Pay” situation dahil sa virus.


Ginawa ni Gatchalian ang panawagan sa DOE kasunod na rin ng pagpapatupad ng limang piso dagdag presyo sa kada kilogram ng lpg noong May 1.

Facebook Comments