Nagpatupad na ng price freeze ang Departement of Energy (DOE) para sa cooking gas at Kerosene sa Batangas.
Ayon kay Energy Usec. Felix William Fuentebella, awtomatikong epektibo ang price freeze sa Kerosene at LPG products sa lalawigan matapos itong isailalim sa State of Calamity.
Ibig sabihin, hindi maaaring gumalaw ang presyo ng mga ito sa loob ng 15 araw.
Ang Batangas ay nasa State of Calamity dahil sa pinsalang iniwan ng Bulkang Taal.
Samantala, ilang kumpanya ng langis ang nagpatupad ng tapyas presyo sa produktong Petrolyo.
Kaninang alas-12:00 ng madaling araw ang Chevron ay nagpatupad ng 20-Centavos na bawas sa kada litro ng Diesel habang 30-centavos sa Kerones.
Ganito rin ang ipapatupad na price adjustment ng Flying V, Petron, Pilipinas Shell, PTT Philippines at Total Philippines mamayang alas-6:00 ng umaga.
Una nang nagpatupad oil price rollback ang Cleanfuel at Seaoil.