Patuloy na umiiral sa ilang lugar sa Davao Region ang prize freeze para sa liquefied petroleum gas (LPG) maging ang kerosene.
Sa abiso ng Department of Energy (DOE), ang mga lugar na sakop ng price freeze ay nasa ilalim pa rin ng State of Calamity dahil sa patuloy na sama ng panahon o extension ng Low Pressure Area (LPA).
Narito ang mga lugar kung saan epektibo pa rin ang price freeze hanggang Pebrero 6:
• munisipalidad ng Cateel, sa probinsya ng Davao Oriental: simula noong January 23-February 6
• munisipalidad ng Lupon sa probinsya ng Davao Oriental simula January 23-February 6
• buong probinsya ng Davao del Norte mula January 22-February 5
• munisipalidad ng Kapalong o probinsya ng Davao del Norte nagsimula noong January 19-February 2
• at munisipalidad ng Braulio E. Dujali, probinsya ng Davao del Norte na nagsimula noong January 19-February 2.
Ang price freeze ng mga LPG ay para sa 11 kilograms cylinders at pababa ganoon din ang kerosene.
Samantala, iginiit din ng DOE na sa panahon ng price feeze ay maaring magpatupad ng price rollback habang pinagbabawal naman ang price increase sa loob ng 15-day period o sa araw na nananatili itong epektibo.