Wednesday, March 25, 2026

Price freeze sa LPG at rollback sa kerosene, makabubuting agad ipatupad ng gobyerno

Iginiit ni Manila 2nd District Rep. Rolando Valeriano sa Department of Trade and Industry (DTI) na magpatupad ng pag-freeze sa presyo ng Liquified Petroleim Gas (LPG) at roll back sa presyo ng kerosene.

Paliwanag ni Valeriano, ang LPG at kerosene ay mahalaga para sa maraming kabahayan at maaring kontrolin ng gobyerno ang presyo ng mga ito sa panahon ng emergency.

Ayon kay Valeriano, pumapalo na ngayon sa P111 hanggang P165 ang kada litro ng Kerosene sa maraming lugar sa bansa na hindi kaya ng mga mahihirap na pamilya kaya mapipilitan silang gumamit na lang ng uling at panggatong na kahoy.

binanggit naman ni Valeriano na ang presyo ng LPG prices ay halos P1,100 kada 11-kg na tanke at kung tataas pa ay masyado ng mabigat para sa pangkaraniwang mamamayan kaya mapipilitan silang gumamit ng maliit na cylinders na hindi ligtas gamitin sa loob ng mga bahay at maaring maging sanhi ng sunog at iba pang aksidente.

Babala ni Valeriano, kung hindi agad kikilos ang DTI at mga alkalde para ipatupad ang kerosene rollback at LPG price freeze ay titindi ang pagdurusa ng mga mahihirap na pamilya gayundin ang mga maliliit na kainan o carinderia.

Facebook Comments