Price freeze sa LPG, ipinatutupad sa 2 bayan sa Agusan del Sur — DOE

Umiiral ngayon ang price freeze para sa household LPG o cooking gas at kerosene kasunod ng deklarasyon ng state of calamity sa bayan ng Sta. Josefa at bayan ng Veruela sa lalawigan ng Agusan del Sur.

Ayon sa Department of Energy (DOE), itinaas sa state of calamity ang mga sumusunod na lugar dahil sa pagbaha na dala ng shear line o salubungan ng mainit at malamig na hangin.

Ang price freeze period para sa bayan ng Sta. Josefa ay nagsimula noong January 17 at tatagal hanggang January 31, habang ang price freeze period naman sa bayan ng Veruela ay nagsimula pa noong January 18 hanggang February 1.


Umiiral ang price freeze para sa liquified petroleum gas (LPG) mula ng isalilim ang dalawang bayan sa state of calamity.

Binigyang-diin din ng DOE na sa panahon ng price freeze maaaring magpatupad ng price rollback habang pinagbabawal naman ang price increase sa loob ng 15-day period.

Facebook Comments