Price freeze sa Luzon, hanggang Enero 17 pa – DTI

Ipinaalala ng Department of Trade and Industry (DTI) na hanggang Enero 17 pa tatagal ang price freeze sa Luzon.

Dahil dito, iginiit ng DTI na hindi pa rin maaaring magtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa Luzon kahit pa dagsa ang mga mamimili sa mga palengke at grocery stores ngayong Pasko at sa nalalapit na Bagong Taon.

Hinikayat din ng ahensya ang publiko na isumbong agad sa kanilang consumer hotline na 1384 ang mga negosyanteng nananamantala sa presyo ng kanilang paninda.


Sinumang lalabag ay pagmumultahin ng P5,000 hanggang P2 milyon at pagkakakulong ng lima hanggang 15 taon.

Matatandaang ipinatupad ang price freeze kasunod ng pagsasailalim sa state of calamity ng buong Luzon bunsod ng matinding pinsalang iniwan ng sunod-sunod na bagyo.

Facebook Comments