Price Freeze sa mga essential goods sa lungsod ng Parañaque, epektibo na matapos isailalim ang lungsod sa State of Calamity

Epektibo na ang price freeze sa ilang mga produkto sa lungsod ng Parañaque.

Ito’y matapos isailalim ang lungsod sa State of Calamity batay na rin sa RA 7581 kung saan tatagal ito ng 30 araw.

Ibig sabihin, walang pagtaas sa presyo ng canned fish, noodles, bottled water, tinapay, gatas, kape, at asin.

Gayundin ang kandila, sabon, at mga detergent.

Sakop ng naturang price freeze ang Puregold Multinational Brgy. Sto . Nino, Big C, Don Bosco, SM Bicutan, Brgy. Don Bosco, Robinsons Southpark, Puregold Aguirre, South Grocer at BF Homes, Robinsons Easymart in Brgy. Don Bosco; Waltermart, Alfamart, Robinsons in Merville, Alfamart in Sun Valley 1, and SM Hypermarket.

Samantala, agad naman daw ipagbigay alam sa Department of Trade and Industry (DTI) at mga kinauukulan kung mayroong lumabag sa bawat presyo ng produkto.

Facebook Comments