Price freeze sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong Odette, pinang-aaralan na ng DA

Pinag-aaralan na ng Department of Agriculture (DA) ang posibleng pagpapatupad ng price freeze sa mga produktong pang-agrikultura sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong Odette.

Ito ay upang matiyak na magiging sapat ang suplay ng pagkain sa mga apektadong lugar.

Kaugnay nito, sinabi ni DA Assistant Secretary Kristine Evangelista na tinitingnan na nila ang mga presyo at availability ng mga pagkain.


Nilinaw naman ni Evangelista na hindi apektado ng bagyo ang food supply sa Metro Manila.

Hindi naman kasi aniya tinamaan ng bagyo ang mga rehiyong nagsu-suplay ng agricultural commodities sa Kamaynilaan.

Facebook Comments