Ipinatupad ang mandatoryong price freeze sa mga pangunahing bilihin sa Pangasinan kasunod ng hindi maaliwalas na panahon dulot ng habagat at bagyo.
Ayon sa Department of Trade and Industry, magtatagal ng animnapung araw ang price freeze maliban kung ipawalang bisa nang mas maaga ng Pangulo.
Layunin nitong matiyak ang matatag na presyo ng lahat ng pangunahing bilihin at maprotektahan ang mga konsyumer sa panahon ng sakuna.
Sa ilalim nito, mananatili sa kasalukuyang presyo ang mga bilihin partikular sa mga lugar na may opisyal na deklarasyon ng State of Calamity. Inaatasan din ang lahat ng retailer, distributor, at manufacturer sa pagtalima sa mandato.
Sa kasalukuyan, walong bayan at isang lungsod sa Pangasinan ang nagdeklara ng State of Calamity dahil sa malawakang epekto ng masamang panahon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









