
Muling nagpaalala ang Department of Trade and Industry (DTI) na awtomatikong umiiral ang price freeze para sa mga pangunahing bilihin.
Ito’y sa mga lugar na idineklara at isinailalim sa state of calamity dahil sa pagtama ng malakas na lindol.
Ayon sa Trade Department, nagsasagawa na sila ng masusing monitoring katuwang ang mga regional at provincial office ng DTI para maiwasan ang pananamantala kabilang na ang overpricing at hoarding.
Hinikayat din nila ang mga negosyante na pairalin ang makatarungang kalakalan sa gitna ng krisis.
Tiniyak naman ng ahensya na patuloy nilang poproteksyunan ang mga consumer maging ang mga negosyante na pinadapa ng magkakasunod na kalamidad upang makabangon at maging matatag muli.
Samantala, inabisuhan na rin ng DTI ang mga apektadong consumer na i-report agad sa kanilang consumer-care ang posibleng pananamantala sa presyo ng mga bilihin.









