PRICE FREEZE SA WALONG LUGAR SA LALAWIGAN NG PANGASINAN NA NASA ILALIM NG STATE OF CALAMITY, MAHIGPIT NA IPINAALALA NG DTI PANGASINAN SA PUBLIKO

Matatandaan na pitong bayan at isang lungsod ang nagdeklara ng state of calamity nitong mga nakaraang linggo dahil sa naging epekto ng Bagyong Egay at nagdulot ng matinding pagbaha at pagkasira sa sektor agrikultura.
Dahil dito, ang mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity, awtomatikong walang magiging paggalaw sa mga presyo ng mga bilihin o ito ay nasa ilalim ng price freeze.
Sa bisa ng Republic Act No. 7581 o Price Act, magiging epektibo ito sa oras na magdeklara ang isang lugar ng state of calamity ay hindi magkakaroon ng pagtaas ng presyo sa mga bilihin.

Sinabi ni DTI Pangasinan Provincial Director Natalia Dalaten, na sa loob ng animnapung-araw (60) mananatiling naka-freeze ang mga bilihin.
Dahil dito, patuloy ang isinasagawang pagbabantay ng ahensya sa mga lugar ng pamilihan sa mga lugar na sa ilalim ng SOC.
Dagdag pa ng opisyal, ilan sa mga produktong nasa ilalim ng price freeze pagkaing delata, isda, gatas, kape, sabong panlaba, kandila, tinapay, asin, harina, at instant noodles.
Ayon pa kay Dalaten, ang sinumang mga estabablisyemento na sumuway sa batas na ito ay mapapatawan ng kaukulang parusa gaya ng pagiging criminal at administrative penalties.
Samantala, kampante naman ang ahensya na sa sapat ang mga pangunahing bilihin sa mga pamilihan sa lalawigan ng Pangasinan. |ifmnews
Facebook Comments