PRICE HIKE | Alamin ang presyo ng mga bulaklak

Isa sa mga tradisyon ng Pilipino tuwing sasapit ang buwan ng mga puso ay ang kaliwa’t kanang pagbibigay ng bulaklak para sa mga magsing-irog, kaya naman ilang araw bago sumapit ang buwan Pebrero inihayag na ng mga tindera sa Dagupan City na nagmahal na ang presyo ng bulaklak dahil sa papalapit na Valentines Day at Panagbenga sa Baguio City.

Narito ang ilang presyo ng mga bulaklak:
Rose(per piece)- P25
Malaysian Mums (per bundle) – P80 to P100
Alstromeria(per bundle)- P80 –  P100
Ragos (per bundle) – P80 to P100

Iginiit ng mga tindera na una ng nagtaas ang presyo ng Rose at ang mabenta sa ngayon ay ang Alstromeria dahil ginagamit sa kasal at iba pang okasyon. Asahan ang pagtaas pa ng presyo nito ayon sa mga tindera sa darating na Pebrero.


Report by Cindy Ranque
Photo-credited to Senji Rualo

Facebook Comments