Manila, Philippines – Ilang uri ng bigas ang nagtaas ng presyo sa nakalipas na linggo.
Batay sa monitoring ng Department of Trade and Industry (DTI) ang regular milled rice na dati ay P37 kada kilo ngayon pumalo na ito sa P40 kada kilo.
Habang ang well milled rice ay nasa P42 na kada kilo mula sa P40 kada kilo nuong nakalipas na linggo.
Umabot naman sa P46 kada kilo ang presyo ng premium rice mula sa dating P45.
Samantala nananatili namang nasa P27 hanggang P32 kada kilo ang presyo ng NFA rice.
Sa gitna nito sinabi ni Trade and Industry Secretary Ramon Lopez na wala silang balak magtakda ng suggested retail price sa presyo ng bigas.
Facebook Comments