Price monitoring sa mga binebentang bulaklak sa Undas, isinagawa ng DTI Surigao del Norte

Isinagawa ang price monitoring sa mga binebentang bulaklak sa nalalapit na Undas, ito’y sa pamamagitan ng mga kawani ng Department of Trade and Industry (DTI) Surigao del Norte.

Pinamunuan ni Fame Fazon at mga kasamahan nito sa DTI Surigao del Norte ang pagpunta sa iba’t ibang flower shops at kahit mga nagbebenta ng bulaklak sa gilid ng daan.

Kinuha ng mga ito ang presyo ng iba’t ibang bulaklak at ikinumpara sa presyo sa nakaraang taon sa paggunita ng All Saints Day sa Nobyembre 1 at All Souls Day sa Nobyembre 2.

Inamin ng mga kawani ng DTI na wala itong suggested retail price o SRP sa presyo ng bulaklak.

Ayon naman sa mga nagbebenta ng bulaklak, ang pagmahal ng presyo nito ay nakabase sa kanilang mga suplayer at inaangkat pa nila ang mga bentang bulaklak mula Cebu, Bukidnon, Davao, hanggang Maynila.

Facebook Comments