Ipinakalat ng Department of Trade and Industry (DTI) ang price monitoring teams na magbabantay kung nasusunod ang suggested retail price (SRP) ng pulang sibuyas sa mga pamilihan.
Nabatid na itinakda ng Department of Agriculture (DA) at ng mga stakeholder nito na P250 ang SRP ng kada kilo ng pulang sibuyas na epektibo lamang ngayong unang linggo ng Enero.
Ayon sa DTI, ang monitoring teams ay ipinakalat simula noong Biyernes, December 30, 2022.
Kasunod nito, nanawagan si DTI Secretary Alfredo Pascual sa mga nagtitinda nito na panatilihin ang kanilang mga presyo sa itinatakda ng nasabing SRP.
Ginagawa aniya umano ng ahensya ang lahat upang matiyak na abot-kaya ng mga mamimili ang presyo ng mga pangunahing bilihin.
Facebook Comments