Price range para sa COVID-19 test, epektibo na ngayong araw

Epektibo na ngayong araw ang price range para sa COVID-19 Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) test matapos mai-publish sa mga pahayagan.

Kasunod ito ng inilabas na Executive Order (EO) ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa reklamo na umaabot ng hanggang P20,000 ang presyo ng COVID-19 test.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, napagkasunduan ng kagawaran at ng Department of Trade and Industry ang flat rate na P3,800 sa mga public testing facilities habang naglalaro sa P4,500 hanggang P5,000 sa mga pribadong pasilidad.


Kasama rin sa price range ang testing inputs, kabilang ang presyo ng test kits, machines, overhead cost, maintenance at iba pang operating expense.

Paalala naman ng kalihim, mayroong kaakibat na parusa para sa mga mag-o-over price ng RT-PCR testing.

Sa unang paglabag, papatawan ang laboratory ng 15 days suspension ng kanilang license to operate bilang COVID-19 testing laboratory at administrative fine na P20,000.

Sa ikalawang paglabag ay 30 days suspension at multa na P30,000 at sa pangatlong paglabag naman ay revocation o tatanggalan na ng license to operate bilang COVID-19 tetsing laboratory.

Facebook Comments