Quezon City – Tatlong klase ng panindang isda, hindi pasok sa SRP sa ilang palengke sa Quezon City.
Hindi pasok sa Suggested Retail Price (SRP) ang tatlong klaseng panindang isda sa ilang palengke sa Quezon City.
Ito ang natuklasan ni National Director Commodore Eduardo Gongona sa ginawa niyang inspection sa palengke ng Tandang Sora at Muñoz Market.
Sa Tandang Sora Market, ang bangus ay naglalaro sa ₱180-200 per kilo. Lampas ito sa SRP na ₱150 per kilo.
Sa galunggong, ibinebenta ito sa ₱160 -170 gayong ang SRP ay ₱140.
Sa tilapia, ang SRP ay ₱100 pero ibinebenta sa presyong ₱110-120.
Ayon naman sa mga tindera, ang presyo nila ay nakadepende sa nagbabagsak ss kanila ng isda.
Pero sa ngayon ani ni Gongona warning lang muna ang maaari nilang magawa sa mga lalabag na vendor.
Plano ngayon ng BFAR na i-review ang kanilang SRP para makita kung akma pa ito sa kasalukuyang sitwasyon.