Manila, Philippines – Humirit na ang Department of Trade and Industry o DTI sa mga manufacturer na magbaba na ang presyo sa kanilang produkto.
Ito ay kasunod ng pitong lingong sunod-sunod na rollback sa presyo ng produktong petrolyo.
Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, maaaring maglaro sa P0.50 hanggang piso ang rollback sa ilang brand ng kape, gatas at mga canned meat.
Sabi pa ni Lopez, wala na ring dahilan para magmahal ang presyo ng mga Noche Buena item.
Maliban na lang aniya sa mga premium brands na panghanda tulad ng hamon at keso de bola na tumaas ang production cost.
Facebook Comments