PRICE WATCH | DTI, nagdagdag ng tauhan para mag-monitor ng presyo ng mga bilihin

Manila, Philippines – Nagdagdag na ang Department of Trade and Industry (DTI) ng mga tauhan na magbabantay kung tama ang itinataas ng presyo ng mga produkto.

Ayon kay DTI Sec. Ramon Lopez, kung gagalaw ang presyo ng mga pangunahing bilihin ay dapat wala pa itong isang porsyento.

Kasabay nito, inilabas rin ng DTI ang price matrix para makita ang epekto ng Tax Reform Inclusion and Acceleration o TRAIN law sa produktong petrolyo.


Base sa matrix, ang mga delata tulad ng meat loaf, corned beef at sardinas ay tataas lamang ng apat hanggang pitong sentimo kada lata.

Ang kape na 25 gram ay taas lang dapat ng apat na sentimo habang sampung sentimo naman sa powdered milk na 150 gramo.

Taas naman ng tatlong sentimo kada pakete ang noodles habang labing walong sentimo ang itataas ng loaf bread na may 600 gramo.

Facebook Comments