Bunsod ng mga mararahas na protesta sa nakalipas na tatlong Sabado, ipapatigil ng gobyerno ang patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa France.
Ayon sa mga ulat, pormal na ihahayag ni French Prime Minister Edouard. Philippe ang moratorioum sa presyo ng krudo.
Binansagang yellow vest protest, daang libong mga Pranses ang nagtipun-tipon nitong nakaraang tatlong Sabado sa ibat-ibang bahagi ng France.
Dahil sa matinding tensiyon, nauwi marahas na bakbakan sa pagitan ng mga demonstrador at pulis.
Umabot na sa mahigit apat na raang katao na ang inaresto habang mahigit isang daan naman ang nasaktan dahil sa mga kaguluhan.
Facebook Comments