PRICE WATCH | Grupo ng mga supermarket, nagbabala hinggil sa posibleng epekto ng “truck holiday”

Manila, Philippines – Nababahala ang grupo ng mga supermarket owner sa posibleng epekto ng ‘truck holiday’ sa presyo ng mga bilihin.

Sabi ni Steve Cua ng Philippine Amalgated Supermarkets Association – konti lang ang mailalaang stocks sa mga distributor kung itutuloy ng isang samahan ng truckers ang kanilang tigil-biyahe sa susunod na linggo.

Kung magkataon, walang sapat na stock na maibebenta ang mga distributor at magreresulta ito ng taas-presyo ng mga bilihin.


Isasagawa ng ilang grupo ang truck holiday bilang protesta sa pag-iipon umano ng mga container na walang laman sa mga pantalan ng Maynila at dahil sa pressure ng Department of Transportation (DOTr) na palitan ang mga lumang truck kahit maayos pa ang ilan sa mga ito.

Tiniyak naman ng DOTr na hindi gaanong mararamdaman ang epekto ng gagawing protesta.

Habang sinabi ni LTFRB Chairman Martin Delgra na pansamantalang pinapayagang bumiyahe ang mga truck na may edad 15 taon pataas basta pasado ang mga ito sa road worthiness inspection.

Facebook Comments