Iniimbestigahan na ng Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Agriculture (DA) ang ibat-ibang presyo ng manok at gulay sa mga palengke.
Sa inspeksiyon ng DTI sa Kamuning Market, nakitang P160 kada kilo ang singil sa manok na mas mahal kaysa sa Kalentong Market sa Mandaluyong na nasa P140 kada kilo.
Ayon kay DA Administrative Chief Junibert De Sagun, aalamin nila kung bakit magkaiba ang presyo ng manok sa mga pamilihan.
Paliwanag ni DTI Director Dominic Tolentino, dapat nasa P130 lang kada kilo ng manok dahil P80 lamang kada kilo ang bentahan nito sa mga farm gate.
Aniya, nasa P50 naman ang production cost o gastos na kinakailangan kada manok.
Facebook Comments