Manila, Philippines – Ilang linggo bago ang Semana Santa, tumaas na ang presyo ng mga isda at gulay sa ilang pamilihan sa bansa.
Base sa monitoring ng RMN – nasa bente pesos hanggang anim-napung piso ang itinaas ng kada kilo ng ilang klase ng isda at gulay sa mga palengke.
Sa Mega Q-Mart sa Quezon City, nasa walumpung piso na ang kada kilo ng ampalaya mula sa P60 habang isang daan naman ang kada kilo ng kalamansi na dating P40.
Doble naman ang itinaas ng kada-kilo ng cauliflower nasa P120 na mula sa dating P60.
Ang pagtaas sa presyo ng gulay ay karaniwan na tuwing mahal na araw.
Facebook Comments