Bagaman at bumaba na sa 6 percent ang inflation rate sa nakalipas na buwan ng Nobyembre mula sa dating 6.7 percent, mataas pa rin at hindi naman nagbabago ang presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo sa bansa.
Ayon kay Alan Tanjusay, spokesperson ng Associated Labor Union – Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP), ang malinaw na pagkakaiba sa pagitan ng government survey at aktuwal na presyo ng bilihin sa mga palengke ay isang patunay na bigong gampanan ng mga economic managers ang kanilang trabaho.
Hinamon ni Tanjusay ang mga opisyales ng Department of Finance (DOF), Department of Budget and Management (DBM), DTI at NEDA na lumabas sa kanilang air-conditioned room at mag-inspeksyon sa mga palengke at ikumpara ang kanilang listahan nang direkta sa mga mamimili.
Auon pa sa labor group, nalilinlang lamang ng mga tusong negosyante na sangkot sa profiteering ang magagaling na economic managers ng Pangulo.