PRICE WATCH | Mga manufacturer ng tinapay na nagtaas ng presyo, pinagpapaliwanag

Manila, Philippines – Pinagpapaliwanag ng Department of Trade and Industry o DTI ang ilang bread manufacturer kung bakit sila nagtaas ng presyo.

Ito ay sa kabila ng pagbaba ng presyo ng asukal at stable na presyo ng harina.

Ayon kay Trade Undersecretary Ruth Castelo, walang dahilan para magtaas ng presyo sa mga ibinebentang tinapay.


Dahil dito, pinag-aaralan na ng DTI ang paglalagay ng Suggested Retail Price o SRP sa mga produktong tinapay.

Facebook Comments