Kinumpirma ng mga nagbebenta sa Dagupan City na nagmahalan ang mga presyo ng bilihin, katulad na lamang ng mga prutas, macaroni, pasta, ham, at jamon de bola.
Sa nakalipas na araw ng Disyembre, nagmahal ang halos lahat ng kategorya ng bilihin at inaasahang tataas pa lalo sa pagsapit ng bagong taon. Ayon sa ilang vendors na aming nakapanayam kapag ganitong panahon ang mga presyo ng prutas ay talagang tumataas tuwing sasapit na ang Pasko at ang bagong taon dahil narin sa demand sa mga produkto.
Narito ang ilan sa mga listahan ng presyo (per pcs.):
- Ponkan P5
- Kiat-Kiat P50 isang balot
- Fuji Apples P10
- Peras P20 Orange P20
- Lemon P20
- Grapes w/o seeds P50 ¼
- Grapes with Seeds P40 ¼
- Macaroni P60 per kilo
- Pancit bihon P30.00
- Pear shape Ham 800g – 205.00
- Fiesta Ham 1kg – 525.00
- Fiesta Ham sliced 1 kg – 525.00
- Jamon De Bola 1kg – 315.00 Brick
- Ham 500g. 145.00
Mag-budget ng maigi at bilhin lamang ang sasapat sa buong pamilya at huwag kakalimutang humingi ng discount sa mga suking tindahan. Nakapamili ka na ba idol para sa noche buena at media noche? Kung hindi pa sugod na sa iyong suking tindahan para sa pagsalabuong sa kapaskuhan at bagong taon!