Manila, Philippines – Naniniwala ang Department of Finance (DOF) na mananatiling mataas ang presyo ng langis sa pandaigdigang merkado hanggang sa katapusan ng taon.
Ayon kay Finance Assistant Secretary Tony Lambino – ibinase nila ito sa kanilang monitoring, consumption patterns at price adjustments.
Nakasaad sa Republic Act 10963 o TRAIN Law, maaring suspendihin ang fuel excise tax kapag umabot ang Dubai crude sa 80 dollars per barrel o higit pa sa loob ng tatlong buwan.
Bagamat hindi pa naabot ang lebel na ito, dahil sa siyam na magkakasunod na oil price hike ay nagdesisyon ang economic team ng Pangulong Rodrigo Duterte na suspendehin ang bagong excise tax.
Sinabi naman ni Department of Energy Undersecretary Wimpy Fuentebella – pinag-aaralan na ng ahenya ang proseso sa pagsuspinde sa pagpataw ng panibagong excise tax.