PRICE WATCH | Presyo ng mga mamahaling Noche Buena products, posibleng tumaas pa

Manila, Philippines – Maaaring tumaas ng isa hanggang limang porsyento ang presyo ng mga mamahaling Noche Buena products.

Ayon kay Department of Trade and Industry Secretary Ramon Lopez, kabilang na rito ang mga high end na ham at keso de bola.

Aminado naman si Lopez na ilang manufacturer ang nangangamba na lumipat ang kanilang costumer sa ibang produkto na mas abot kaya.


Kasabay nito, tiniyak ni Lopez na walang taas presyo sa mga pangkaraniwang Noche Buena products.

Facebook Comments