PRICE WATCH | Presyo ng mga produktong pang-Noche Buena, nananatiling matatag

Manila, Philippines – Nananatiling stable ang presyo ng mga Noche Buena items.

Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, hindi agad-agad magtataas ang presyo ng mga manufacturers dahil maraming brand naman ang pwedeng pagpilian.

Aniya, sa katunayan ay may mga pa-promo bundle pa ng mga Noche Buena items gaya ng pasta at sauce o kaya ay mga de lata pang fruit salad.


Paliwanag ni Lopez, matatakot rin ang mga manufacturers na magtataas ng presyo dahil mas pipiliin ng mga consumer ang mura at swak sa kanilang budget.

Gayunman, sabi ni Lopez na posibleng tumaas ng hanggang limang porsyento ang presyo ng ham sa mga susunod na araw o linggo.

Facebook Comments