Manila, Philippines – Inilabas na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang listahan ng Suggested Retail Price (SRP) para sa Noche Buena products.
Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo, layong nitong masigurong tama ang binayarang produkto ng mga consumer.
Kabilang sa listahan ang pasta, mayonnaise, spaghetti, tomato sauce, elbow, salad macaroni, hamon at sandwich spread.
Nilinaw naman ng DTI na nakadepende ang presyo ng produkto sa brand at timbang nito.
Hinimok naman ng DTI ang publiko na agad isumbong sa kanila kung may makikita silang iregularidad sa presyo.
Facebook Comments