PRICE WATCH | SRP para sa bigas, manok at baboy, nakatakdang ilabas ngayong linggo

Manila, Philippines – Nakatakdang maglabas ngayong linggo ang Department of Agriculture (DA) ng Suggested Retail Price (SRP) para sa bigas, manok at baboy.

Ayon naman kay Agriculture Secretary Manny Piñol, isasapinal na nila sa Huwebes, Oktubre 18 ang SRP na gagawin sa pagitan ng DA at mga rice stakeholders.

Bagaman hindi pa pinal ang SRP sa bigas, planong gawing P38 ang kada kilo ng regular milled rice, P40 hanggang P42 ang well milled rice at P44 ang premium rice.


Pagtitiyak naman ng kalihim, ang Department of Trade and Industry (DTI) ang magbabantay sa mga pamilihan kapag nailabas ang SRP.

Maliban rito, maglalabas din ang DA ng panibagong SRP sa holiday season para makontrol ang pagmahal ng mga bilihin.

Facebook Comments